Showing posts with label Mga Ipinagbabawal sa Islam (updated). Show all posts
Showing posts with label Mga Ipinagbabawal sa Islam (updated). Show all posts

Pag-aalay sa Iba pa Kay Allah

Isang malaking Shirk ang pag-aalay ng iba pa kay Allah. Si Allah ay nagsabi (108:2):

"Kaya magdasal ka sa Panginoon mo at mag-alay,". Ibig sabihin: Mag-alay ka ng hayop kay Allah at sa pangalan ni Allah.

Nagsabi ang Propeta (sas): "IsinuAmpa ni Allah ang sinumang nag-alay para sa iba pa sa Kanya."

Maaari pang magsabay sa pag-aalay ang dalawang ipinagbabawal: ang pagkakatay para sa iba pa maliban kay Allah at ang pagkakatay sa iba pa sa pangalan ni Allah; kapwa ito nakapipigil para maaaring kumain mula sa kinatay na iyon.


Kabilang sa pagkakatay sa panahon ng kamangmangan, na palasak sa panahon natin, ay ang mga pagkakatay para sa mga jinni (mga nilalang na hindi nakikita ng mata).

Kapag nakabili sila ng bahay o nagpagawa nito o humukay ng isang balon ay nagkakatay sila roon o sa bungad nito ng isang hayop dahil sa pangamba sa pamiminsala ng mga jinni.

Ang Pagtatambal (Shirk) kay Allah

Hinango sa Aklat na Ipinagbabawal na Ipinawawalang-bahala ng mga Tao

Ito ang pinakamalaki sa mga ipinagbabawal, walang pasubali, batay sa Hadith ayon kay Abu Bakrah, na nagsabi: "

"Nagsabi nang makatatlo ang Sugo ni Allah (sas): Ipinabatid ko ba sa inyo ang pinakamalaki sa malalaking kasalanan?

Sinabi namin: Opo , o Sugo ni Allah. Sinabi niya: Ang pagtatambal kay Allah.'

Bawat pagkakasala ay maaaring patawarin ni Allah maliban sa Shirk kaya kailangan para rito ang isang takdang pagsisisi.

Sinabi ni Allah (4:48): "Tunay na si Allah ay hindi magpapatawad na tambalan Siya ngunit magpapatawad Siya sa anumang mababa pa roon sa kaninumang loloobin Niya."Ang Shirk ay may bahagi na napakalaki na nagtitiwalag sa tao sa pananampalatayang Islam, na ang nakagagawa nito ay mananatili sa Impiyerno kung namatay sa kalagayang iyon.