Ang Kababaihan sa Ramadan

Ang Kababaihan sa Pagsamba

Kapatid na Muslimah! Paano mag-iipon ng kabutihan sa buwan na ito?
Mayroong mga paraan na para sa iyo na may maraming kabutihan sa buwan na ito, at
wala kang ibang gagawin kundi gawin ang mga ito kasama ang iyong pamilya at mga
minamahal.

Ang ilan sa mga dapat mong gawin ay:
1. Ang mga obligadong salah: marapat sa kanya na magkaroon sa Ramadhan ng
ibang pinagkakaabalahan, kaya dito ay dapat maging bantay sa pagpapatupad ng
mga bagay na sumusunod:

· Ang paghahanda sa salah bago pa ang oras nito sa pamamagitan ng Tahara at
paghahanda ng lugar na pagsasagawaan ng salah (sajadah).
· Ang pagtupad sa mga Sunnah (na salah) upang taglayin ang mga dakilang
palasyo sa Paraiso.
· Paggamit ng siwak bago magsagawa ng salah.
· Ang pagtayo ng salah at pagtupad sa tayo, pagyuko at pagtirapa nito ng
kumpleto.
· Pagsasambit ng mga pag-aalala kay Allah at panalangin pagkatapos ng salah.
· Ang pag-upo ng saglit sa sajadah upang magbasa ng Qur'an o pagluwalhati at
pagpuri kay Allah.
· Ang paghintay sa salah sa bawat salah, at siya ay laging nasa lugar ng dasalan
niya kaya't siya ay laging bantay, tulad ng sabi ng Propeta (saws): Tunay na ang
pagtawag sa babae ay lagian sapagkat siya ay nagsasagawa ng salah na para
bang ito na ang kaniyang huling salah.
· Kung aalalahanin ang dakilang gantimpala sa pag-upo sa dasalan at pagbasa
ng mga bahagi sa Qur'an at mga pag-alala kay Allah, na hindi tumatayo
hanggang sa ito ay matapos. Tulad ng sabi ng Propeta (saws): Sinuman ang umupo
sa kaniyang dasalan at inaalala si Allah at humihingi ng tawad, ang mga anghel
ay humihingi ng tawad para sa kaniya, hangga't hindi lumabas o nakipag-usap.

2. Magkamit ng gantimpala at magkaroon ng busilak na intensiyon sa pagsasagawa ng
Iftar, sapagkat tunay na sinuman ang magpakain ng Iftar sa nag-aayuno ay tulad sa
kaniya (nagpakain) ang gantimpala nito (nag-ayuno).

3. Magparami ka ng pag-alala kay Allah habang ginagawa mo ang mga gawaing
bahay, at sanayin mo ang iyong dila sa pag-alala kay Allah (mga dhikr).

4. Ang ilang kababaihan kapag dinatnan ng kanilang buwanang dalaw o pagdudugo
sa bagong panganak ay iniiwan ang mabubuting gawa, na ipinagbabawal niya sa
kaniyang sarili ang pagkamit ng mga kabutihan sa buwang ito. Tunay na mayroong
ibang mga pagsamba na malayang huwag isara sa mga pagkakataong ito; tulad ng
pagbabasa ng Qur'an nang hindi humahawak ng Mushaf bagkos hawakan ito ng
may takip, ang pagbabasa ng mga aklat na nakakatulong at mga babasahing may
katuturan, at ang pananalangin (du'ah), ang pagbigkas ng Tasbih, paghingi ng
tawad at pagkakawanggawa at panalangin ng pagpapala at pagbati sa Propeta
(saws) at pagpapakain sa mga nag-aayuno, at walang alinlangan na ito ay mula sa
mga gawaing may malaking kabutihan, tulad ng sa hadith ng Propeta (saws): Ang
mga muftirun47 ngayon ay nagkaroon ng gantimpala. Mayroong mahalagang
mungkahi: Ito ay hinggil sa pag-aayos at pagsasagawa ng pagkain at pangangalaga
ng bahay sa pagitan ng mga kababaihan sa iisang bahay upang ang silang
mayroong mga dahilan upang hindi maisagawa ang Salah sa mga panahong ito sila
ang gagawa ng pagkain para sa Iftar at ng mga iba pang gawain sa mga araw na
ito sa buwang ito at mga gabi nito. At binabalita sa iyo ang gantimpala tulad ng
gantinpala ng mga mga pinagsilbihan, kung ikaw ay malusog at malakas ay gawin
ang mga gawaing ito.

5. Ang pagninilay-nilay sa Qur'an ay pag-unawa sa kahulugan nito at mayroong mga
hayag ang kahulugan na hindi magigingmahirap para sa kanila, ang iba ay tinatapos
ang pagbasa ng Qur'an ng apat ng ulit sa buwan na ito o mas marami pa, at mas
mainam na kung sa iyong pagninilay-nilay at balikan ang mga aklat ng mga Tafsir.

Ang Kababaihan at ang Kusina

Ang babae ay pumapasok sa kusina sa Ramadhan ngunit sa panahong ito ay mayroong
mga marapat gawin at aspeto, ito ang mga sumusunod:


· Dapat ng ipaunawa sa mga anak, na hindi mula sa mga gawain sa Ramadhan ang
paghahanda ng mga pagkain at inumin ng iba't ibang uri sa araw-araw… bagkos
ang mainam ay hatiin ito sa dalawang bahagi o tatlo, at paggawa ng Menu ng mga
nais na putahe na dapat pag-usapan ng pamilya hinggil dito, upang maging madali
para sa lahat ang magbigay ng kanilang mga mungkahi sa mga uri ng pagkain. At
paggawa ng listahan para sa pagpaparte-parte ng mga pagkain para sa mga araw
ng linggo. At ito ay magpapadali sa trabaho ng mga kababaihan, at para malaman
sa hinaharap ang gagawin. At karagdagan pa upang makasanayan ng lahat ang
pag-sistema at pagsasa-ayos, at kasama dito ang pag-iingat sa biyaya mula sa
pagsasayang na siyang pinagbabawal natin sa kanila at pagdadala sa ayos hinggil
sa mga ginagamit at pagbabago sa pag-uuri ng mga pagkain.
· Radio; marapat na maglagay ng lugar sa kusina para sa radio at mga cassette tapes
na nagtatalakay hinggil sa Ramadhan mula sa mga unang araw nito. At
pinapayagan ang pagpaparami ng pakikinig ng Qur'an at pinalalayo sa pakikinig ng
mga Nashid at mga palatuntunan sapagkat ito ay hindi oras para sa mga ito.
· Ang paggawa sa mga pag-alala kay Allah (dhikr) at Tasbih48 habang hinahanda ang
pagkain upang hindi manghina ang kanilang mga dila sa pagsabi ng pag-aalala kay
Allah.
· Ang mapakinabangan ang mga gamit pangteknolohiya, tulad ng; mixer, makinang
panghiwa, makinang pangmasa at microwave upang makatipid sa oras ang mga
kababaihan.
· Ang pagtitipid sa mga uri ng pagkain at inumin lalu't ang mga ginagamit sa
mahabang panahon, maaring hindi gamitin o bumili na ng pagkaing gawa na (para
makatipid sa ilang rikado), at ang pag-iingat ng babae sa kaniyang oras ay dapat na
mas maging maingat siya sa kaniyang pera.
· Maging bantay sa paggawa ng madaling pagkain upang makatipid sa oras.
· Ang pagbabawas sa pagsasagawa ng mga pagsasalo-salo (party) sa buwang ito
upang maiwasan ang pagsasayang ng oras at pera.

Sa mga katulong sa bahay: huwag siyang pagbawalan ayun sa kakayanan nito na
magkamit ng gantimpala tulad ng sa iyo, at maaring makatulong sa kanya ang
paggamit ng mga sisidlang plastic upang makabawas sa kaniyang mga gawain, at
gayun rin marapat na kuhanan mo siya ng aklat para sa kaniya sa kaniyang wika o
dialekto na magpapaliwanag hinggil sa mga pagbabatas at kabutihan sa buwan na ito,
at kung sakaling hindi muslim ay pagkakataon mo na ito upang akitin siya sa pagpasok sa
relihiyong ito at makakatulong rin ang Islamic Center hinggil dito.


Ang Kababaihan at ang Kawanggawa

Ang nag-aayunong tunay ay dinadalisay ang sarili sa pamamagitan ng mula sa pagiging
makasarili at mga epekto nito at ang pag-iisip sa kabutihang-palad sa sarili at mga
pagnanasa tungo sa pagpapahalaga sa nasyon at sa kanyang mundo at mga suliranin.
Aalalahanin niya ang mga pangangailangan ng kaniyang mga kapatid na mga
mahihina at kaniyang sasagutin ang mga tunay na nakararamdam sa pag-alis ng mga
suliranin nila, at hindi mapapalagay hangga't hindi napapawi ang paghihirap, hanggang
mapawi ang dilim sa pagdating ng liwanag ng kaniyang mukha at napahinga ang

kaniyang puso – at sa iyo si A'isha (ra) – ang huwaran, gumugol ng isang libong dirham sa
isang araw habang siya ay nag-aayuno at ng dumating ang oras ng iftar ay sabi ng
kaniyang katulong sa kaniya, may natira pa ba sa atin para sa Iftar?! Sabi ni A'isha (ra);
kung napaalala mo lamang nagtira sana ako. Subhanallah! Kinalimutan niya ang
kaniyang sarili mula sa makamundong bagay.

At para sa iyo kapatid na muslimah, ang sumali sa bagay na ito:

1. Ang pagbigay ng zakat para sa ginto kung ito ay umabot sa nisab49, at ibigay ito sa
mga nararapat sa mga mabiyayang araw na ito upang madoble ang mga
gantimpala.

Paggawa ng pagkain para sa iftar para sa nag-aayunong mahihirap at
nangangailangan, at pagsasalo-salo sa pagkain ng iftar kasama ang mga
nagtatrabahong babaing muslimah sa tamang lugar na pinagdadausan ng iftar ng
mga kababaihan sa inyong lugar. O sa nagtatrabahong babae sa ilalim ng
pangangalaga ng ibang tao, tulad ng mga nagtatrabaho sa mga pananiman at
mga tulad nito. Karagdagan sa pagpapakain ng iftar sa mga kamag-anakan at kapitbahay
at ang lahat ng ito ay gantimpala sa ayuno sa Ramadhan ng higit pa sa isa, at
dito ay mayroongmabuting ugnayan, kabutihan at mabuting kapit-bahay.

2. At maaring gawin na ang buong pamilya ang magtustos sa isang pamilyang mahirap,
sa pagtitiyak hinggil sa pagkain ng Iftar at tulad rin ng suhur sa buong buwan.

3. Gawin para sa sarili ang bilang mula sa kawanggawa na ilalabas sa pang-araw-araw
– ayun sa kakayanan – at gawin ito, minsan ay salapi, minsan ay ibang mga pagkain,
o sa ikatlong gabi ay damit at sa ikaapat na gabi ay prutas o matatamis, at mga
magagandang gawaing pangkawanggawa sa pagitan mo at pagitan ni Allah na
walang nakaaalam kahit na ang pinakamalapit na tao sa kaniya.



No comments: