Paano ang Pagpasok sa Islam?

Isa sa katanungan ng nakararaming mga nagsusuri sa Islam ay hinggil sa paraan ng pagpasok dito. Ngunit bago natin simulan ang pagtalakay sa bagay na ito ay nais muna nating magpaliwanag ng ilang mga bagay.

Una ay ang kahulugan ng Muslim. Maraming mga tao na ang pag-kaunawa rito ay mali tulad ng paniniwala na ang Muslim ay tribo o nasyon tulad ng mga Arabo at mga taga-Mindanao na hindi maaring mag-Muslim ang isang tao maliban na lamang na siya ay i-pinanganak na Muslim. Ito ay isang malaking pagkakamali sapagkat kung babalikan natin ang mga naunang mga Muslim, sila ay mga dating mga Mushrik (pagano) na sumasamba sa mga dios-diosan na pagkatapos maipaliwanag sa kanila ang pagsamba sa iisang at tunay Diyos ay yumakap sila sa Islam at tinawag silang mga Muslim.

Ngunit hindi dito natatapos ang kahulugan ng Muslim, ang salitang Muslim ay mula sa wikang Arabe na ang kahulugan ay pagtalima at pagpapasakop sa batas ng nag-iisang Diyos na si Allah, kaya't sinuman o anuman na tumatalima at nagpapasakop sa mga batas na i-tinalaga ni Allah ay tinatawag silang mga Muslim. Tulad ng Araw na sumisikat sa kanyang takdang oras at lumulubog sa kanyang takdang oras na i-tinalaga sa kanya, dito ay nagpapasakop siya sa batas ng Diyos ng walang pagtutol, gayun rin halimbawa ang mga bundok ay nagiging poste ng lupa upang tumatag at ulan kung kailan siya pababagsakin sa lupa ay lahat ay pagsunod nila sa mga batas na tinalaga sa kanila ng Diyos na kung tawaging ay " Likas" o sa Arabe ay "Fithra". Dito'y walang pag-aalinlangan na sila ay mga Muslim, sapagkat malinaw na ang mga ito ay sumusunod at nagpapasakop sa batas na i-tinalaga sa kanila. Kahit ang mga tao ay kasama rito sapagkat sabi ng Propeta Muhammad (saws): "Lahat ay ipinanganak sa ilalim ng "Fithra" at ang siyang mga magulang lamang nila ang naggawa sa kanilang mga Kristiano, Hudyo at Majus (pagano o sumasamba sa apoy)". Kung pag-aaralan natin ay ating mapag-aalaman na ang mga tao mismo ay sadyang nagpapasakop sa mga batas na tinalaga sa kanilan ng Diyos, tulad na lamang na kapag ang tao ay kinailangan dumumi (magbawas) ay hindi niya ito kayang salungatin at wala siyang ibang magagawa kundi dumumi at gayun rin na hindi natin kayang pigilin ang ating antok, ilan ito sa mga batas na itinalaga ng Diyos sa atin na walang kayang humadlang. Mabuti man o masama, mananampalataya man o hindi, tayo ay nasasakop parin isang banda sa batas ng Diyos at dito ay nararapat na kilalanin tayong mga Muslim sa "Fitrah" (Kalikasan). Ngunit ang Diyos ay nagtakda ng batas na banal at mahalaga kaysa batas ng kalikasaan at ito ang batas Niya sa mga Mananampalataya, Ang Sharee’ah. Ang Diyos ay naglikha ng tao upang Siya ay sambahin, dito sa batas na ito ay itinuro Niya kung paano ang paraan, dito rin sa batas na ito ay matatagpuan ang gabay sa tao, sapagkat ang Diyos ay nag-bigay ng mga pagsubok sa tao at nag-bigay rin Siya ng mga paraan kung paano haharapin ang pagsubok na ito, at ito ay matatagpuan rin sa batas na ito.

Paano matatagpuan ang batas na ito?

Sa bawat panahon, generasyon at mga tao ay nagpadala ang Diyos ng mga batas sa pamamagitan ng Kanyang mga piling Sugo, kabilang dito sina Propeta Noah, Abraham, Moises, David, Jesus at Muhamad (suma kanila nawa ang kapayapaan), ang bawat isa ay may dalang mga batas na angkop sa kanilang mga panahon at tao. Tulad na lamang halimbawa ni Moises na pinadala ng Diyos para sa iligtas ang mga Israelita kay Para'on, kaya't ang batas na dala ni Moises ay ankop sa kalagayan ng kanyang nasasakupan. Gayon rin sina David at Hesus, ngunit isang bagay na hindi nagkaiba ang mga propeta at sugo, ito ay hinggil sa mensaheng pagsamba, pagpapasakop at pagtalima sa iisang Diyos, ang tunay na Diyos, si Allah. Dito ay nagkakaisa lahat ng mga sugo, kaya nga naman kapag may nagpapakilalang Sugo at pagkatapos ay nagpapakilala ng maraming diyos at nagpapakilalang diyos, ito ay hindi kabilang sa mga pinili ng Diyos at tiyak na ito ay napabibilang sa mga bulaang propeta na pinagpauna na rin ng Diyos na darating sa atin.

Ang selyo at kaganapan ng mga batas na ito ay ipinadala ng Diyos sa Kanyang huling Sugo mula sa lugar ng Arabia, sa lahi ni Ismael na anak ni Abraham (ra), na pinag-pauna na ng Diyos sa mga naunang propeta tulad nila Moises at Hesus hinggil sa pagdating nitong huling sugo, siya si Muhammad bin Abdullah (ra), ang tinalaga ng Diyos upang ganapin ang Mensahe ng Diyos para sa tao sa anyo ng Qur'an, ang kumpeltong batas para sa tao para sa ating panahon hanggang sa Araw ng Paghuhukom.
Ito ang dalawang uri ng batas na itinalaga sa atin ng Diyos, ang batas ng kalikasan at ang batas para sa mga mananampalataya na kung susundin ng ito tao ay para sa kanyang ikabubuti, ngunit may pagkakaiba ang dalawang batas na ito. Una ang batas ng kalikasan ay mahirap labagin sapagkat agad-agad pinapadala ni Allah ang parusa para dito, isang halimbawa ay ang paggamit ng ibang tao ng gamot upang pigilan ang pagtulog, dito ay naapektuhan ang kalusugan ng taong yaun at siya ay walang duda na magtataglay ng paghihirap, tulad rin na kapag i-nabuso natin ang mga pananim sa mga kabundukan ay sa pagsapit ng bagyo ay magkakaroon ng mga pagbaha na siyang pinsala sa mga tao o maaring magkaroon ng pag-lindol. Ngunit sa batas na i-tinalaga ng Diyos para sa mga mananampalataya ay hindi agad makakamit ang resulta ng pagsuway, tulad ng pag-darasal at pag-aayuno, kung sakaling hindi man ito gawin ng isang tao ay hindi kaagad siya babagsakan ng parusa, kaya nga naman napaka banal ng batas na ito sapagkat dito ay nagagamit ng tao ang isa sa pinakamagandang regalo ng Diyos sa tao na wala kahit ang mga anghel, ito ay ang kalayaan o "freewill". Kaya sinuman ang sumunod sa mga batas na ito ay tinatawag na Muslim.

Ngayon nalaman natin ang tunay na kahulugan ng Muslim at paglilinaw sa kahulugan sa batas ng Diyos, mas magiging malinaw sa atin ang ating paksa, "Paano Maging Muslim?" Maaring sa pag-talakay natin sa naunang bahagi ay malinaw na ang isang tao ay nagiging Muslim kapag siya ay nagpasakop, tumalima sa batas ng Diyos. Samakatuwid kapag ang isang tao pala ay nagnais na sumunod at tumalima sa batas ng Diyos ay maaring maging Muslim? Ang sagot ay walang dudang Oo. Kung gayun pala ang mga hindi Muslim ay silang mga taong hindi nagpapasakop at sumusunod sa batas ng Diyos? Siyepre Oo ulit. Ngayon ang tanong ay nararapat bang maging Muslim ang mga tao upang musunod nila ang Diyos? Sapagkat sa pagpapasakop at pagtalima lamang sa batas ng Diyos maari mo Siyang masunod hindi po ba? At sapagkat paano mong sasabihin Siya ay sinusunod mo kung hindi ka naman nagpapasakop sa Kanyang batas na kung saan doon nakatala ang kayang mga utos na dapat sundin ng mga tao.

Ang konklusyon ay nararapat lahat ng tao ay maging Muslim kung ang nais niya ay sundin ang Diyos. Ang pagiging Muslim ay isang kasunduan, kasunduan ng Diyos at tao, at tinuruan tayo ng Propeta Muhammad (saws) kung paano i-sagawa ang kasunduang ito. Ang kasunduang ito ay hindi kinakailangan ng mga papeles upang maging ganap, ni hindi kailangan i-lubog sa tubig o sabuyan ng tubig ang tao upang makamit niya ang kasunduan niya sa Diyos. Ang kasunduang ito ay puno ng pangako mula sa Diyos kapag nakamit ng tao, na alam natin na katotohanan ang pangako ng Diyos ay totoo. Ang kasunduang ito ay ang mag-aalis sa tao sa kaparusahan sa apoy kapag ito ay kanyang nakamit na hindi na kailangan mag-sakripisyo ng propeta o ng isang buhay para sa kaligtasan ng tao, ang kasunduang ito ay sapat para sa tao upang makasiguro na siya ay magkakamit ng tagumpay sa Araw ng Paghuhukom sapagkat ang kasunduang ito ay kasunduan sa pagitan ng Diyos, na si Allah ang Makapangyarihan.

Ngunit ganun pa man kahit gaano karami ang kabutihang pinangako ng Diyos para mga magsasagawa ng kasunduang ito ay napipigilan parin ang maraming tao, at napag-alaman natin ang ilan sa mga dahilan nila:
Una napipigilan sila na makipagkasundo sa Diyos sapagkat sila ay bulag sa kanilang paniniwala, na kahit na hayag ang mga pagkakamali sa kanilang relihiyon ay nagwawalang bahala lamang sila at gumagamit ng mga dahilan upang maiwasan ang panawagan ng Diyos na walang duda na ito ay kagagawan ni satanas, sapagkat walang ibang gawain ang satanas maliban sa i-ligaw ang tao, gagawin niya ang lahat ng paraan upang manatili ang tao sa maling pananampalataya.
Ang sunod ay ang taong nakakita ng katotohanan ngunit pinipigilan siya ng kaniyang pamilya, kaibigan at mga bisyo at hilig ng katawan na siyang nagpapahuli sa tao upang pasukin ang tunay na pananampalataya.

At ang isa pa ay nabibigatan sa obligasyong haharapin kung sakaling yakapin niya ang pananampalatayang ini-aalok ng Diyos, na kung saan nandito ang Kanyang katotohanan.
Kaya't nararapat sa tao na sa-isangtabi ang mga pananaw na ito at dapat sa kanya ay tugunin ang panawan ng Diyos. Kung nais ng tao na makamit ang kasunduang ito ay nararapat na maging matapang siyang harapin ang mga pagsubok at pumipigil dito mula sa mga nasa kanyang paligid at pakinggan ang kanyang puso at maging totoo sa kanyang sarili at dalisayin ang puso upang ibigay sa kanya ng Diyos ang Patnubay (hidaya) at makamit niya ang kasunduan na siyang maglalayo sa kanya sa apoy at magbibigay ng susi sa Paraiso.

Tulad sa pagpapaliwanag ng Propeta Muhammad (saws) hinggil sa kasunduang ito, na ito ay napakadali sapagkat ito ay pagbigkas lamang kasama ang sinseridad sa puso ay matataglay niya ang kasunduang ito at papapasukin ni Allah sa Paraiso.

Ngayon kababayan, magulang at kaibigan handa naba kayong tanggapin ang kasunduan at maging isang ganap na tagasunod ng Diyos o Muslim? Handa ka na bang iwan ang mali at madilim na pananampalataya at tumungo sa pananampalatayang tulad ng sa mga propeta at sugo? O mga minamahal, handa ka na bang makipagkasundo sa iyong Manlilikha at sumaksi?

Kung gayun ito ang handog namin sa iyo…ang kasunduan na magbibigay sayo ng kalayaan.
Iyong bigkasin ng bukal sa puso at isipan….

ASH-HADU ALLA ILAHA ILLAH LAHU WA ASH-HADU ANNA MUHAMMADAR RASULULLAH

Ako ay sumasaksi na walang diyos maliban kay Allah at ako ay sumasaksi na si Muhammad ay sugo ni Allah.

No comments: