Liham Paanyaya


Ito ay Liham ng isang Muslimah na biniyayaan ni Allah ng Gabay...


Ang liham kong ito ay bilang pagpapakilala at paanyaya sa pananampalatayang Islam. Gabayan nawa tayo ng Diyos sa tamang landas.

Isang pagbabalik-tanaw

Karamihan sa mga Pilipino ay mga Kristiyano. At bilang Kristiyano ay sinasamba si Hesus na pinaniniwalaang isa sa diyos na nagkatawang tao na nabibilang sa trinidad. Na sa tuwing linggo ay nagsisimba; na sa tuwing may problemang darating ay nagdadasal kay Hesus o sa mga santo at santa, lumuluhod sa mga rebulto at taimtim na nananalangin sa kanila na sana ganito… sana bigyan niyo kami ng ganito… o anupaman; na sa tuwing buwan ng Disyembre ay pinagdiriwang ang kapanganakan ni Hesus at nagdadalamhati naman pag Semana Santa. At hindi lang sa Pasko nagsasaya kundi pati kaarawan ng bawat santo at santa, ang lahat ay namimiyesta. May piyesta ng Nazareno, Sta. Ana, Sta. Rita, Feast of St. Jude at St. Therese pati ni Valentino ay may espesyal na okasyon. Ang lahat ng mga gawaing ito ay aking kinalakihan.


No comments: